Inaasahang darating na sa bansa ang mga inangkat na bigas ng NFA o National Food Authority mula sa Vietnam at Thailand sa huling linggo ng mayo.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, magtutuloy-tuloy naman ito hanggang hunyo para matiyak ang katatagan ng suplay at presyo ng NFA rice sa bansa.
Bukod pa rito, inaasahang din ngayong linggo ang government to private bidding na magsisilbing pandagdag sakaling kulangin ng suplay.
Tiniyak naman ni Estoperez na mananatili sa P27.00 hanggang P32.00 ang presyuhan ng mga NFA rice sa merkado.
Magugunitang sa naganap na re-bidding nitong biyernes, kapwa pinayagan ng NFA ang Thailand at Vietnam na makapagsuplay ng bigas sa Pilipinas.