Pinag-aaralan ng House Committee on Transportation na gawing criminal offense ang pagkakansela ng mga driver ng Transport Network Vehicle Services o TNVS sa booking ng kanilang mga pasahero.
Gayundin ang pagtanggi o pamimili ng mga taxi drivers na ihatid ang kanilang mga pasahero sa kahit saang destinasyon.
Ayon kay House Committee on Transportation Vice Chairman Representative Edgar Mary Sarmiento, layunin ng panukala ang madisiplina ang drivers ng mga TNVS at maproteksyunan ang karapatan ng mga mananakay.
Aniya, sa pagbubukas pa lamang ng session sa Mayo 15 muli nilang tatalakayin ang mga nabinbing panukalang batas na nagre-regulate sa mga TNVS.
Samantala, hinimok naman ni Deputy Speaker Raneo Abu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na tiyaking napoprotektahan nito ang publiko laban sa mga abusadong TNVS at taxi drivers.
—-