11 barangay sa bayan ng Obando, Bulacan ang apektado ng fish kill.
Kinumpirma ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Director Willy Cruz na aabot na sa 100 ektaryang palaisdaan ang apektado ng fish kill simula pa noong sabado, Mayo 5.
Ito, ayon kay Cruz, ay dahil sa sobrang init ng panahon at magnitude 3 na lindol sa naturang lugar.
Matapos anya ng lindol ay may umalingasaw na amoy burak at posibleng naka-apekto ang ammonia at iba pang element sa ilalim ng tubig.
Binalaan naman ni Cruz ang publiko sa pag-konsumo ng isda tulad ng bangus at tilapya mula sa mga apektadong lugar.