Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibilidad na muling magpadala ng pinoy household service workers sa United Arab Emirates sa gitna ng patuloy na pag-iral ng deployment ban sa Kuwait.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration Bernard Olalia, kautusan na lang mula sa Department of Labor and Employment ang kailangan para mabuksan ulit ang deployment o pagpapadala ng mga household worker sa UAE.
Taong 2014 nang mahinto ang pagpapadala ng mga naturang mangggawa sa UAE matapos tumanggi ang nabanggit na gulf state na dumaan sa screening ng Pilipinas ang kanilang mga employer.
Gayunman, nilinaw ni Olalia na may nilagdaan nang kasunduan noon pang Setyembre 2017 kung saan pumayag ang UAE na bumuo ng isang grupong sasala sa mga employer na kukuha ng mga household service worker.