Tikom ang Department of Tourism sa procurement ng 1.29 million peso reversible jackets para sa mga birthday celebrator na pumukaw sa mata ng mga kritiko at social media user.
Nilinaw ni Tourism Spokesman at Assistant-Secretary Ricky Alegre na sumasailalim pa sa procurement process ang mga naturang jacket.
Inulan ng batikos ang pagbili ng mga jacket matapos kumalat sa social media ang 69 page bidding document na ini-release sa official website ng DOT.
Gayunman, hindi idinetalye ng kagawaran kung gaano karaming jacket ang bibilhin.