Pina-iimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y mga anomalya sa Philhealth kabilang ang labis na gastos sa biyahe at hotel accommodation ng officer-in-charge nitong si Celestina Maria Jude Dela Serna.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, prayoridad ng pangulo na magbigay ng universal health care at kung hindi malilinis ang hanay ng Philhealth ay hindi pa magkakaroon ng universal health care.
Magugunitang kinuwestyon ng Commission on Audit ang travel expense ni Dela Serna na umabot sa 627,000 pesos patungo at pabalik ng Tagbilaran at Metro Manila na kinabibilangan ng plane fares, terminal fees, hotel and lodging accommodations.
Samantala, umaapela naman kay Pangulong Duterte si Dela Serna na dinggin ang kanyang panig.
Bukod sa mga biyahe, inirereklamo rin umano ng samahan ng mga Philhealth worker ang illegal termination at deduction ng agency fees mula collective negotiation agreement incentive ng mga rank-and-file employee.