Pinayuhan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang mga kandidato na nag-iisip na tumakbo sa 2016 elections na pakinggan ang konsensya at hindi ang survey.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, hindi survey kundi konsensya ang dapat na mangibabaw sa pagpapasya.
Giit nito, panandalian lamang ang mga inilalabas na survey.
Pinag-iingat naman ni Villegas ang mga kandidato sa mga bumubulong dahil posibleng hindi ito mula sa Diyos.
By Mariboy Ysibido