Sumugod sa tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC sa Maynila ang mga tagasuporta ni Vice President Leni Robedo kahapon.
Ito’y upang iapela sa poll body na panatilihin nito ang itinakda nilang dalawampu’t limang porsyento na shading threshold sa mga balota noong halalan ng taong 2016.
Personal na ipinaabot nila dating Commission on Human Rights o CHR Chair Etta Rosales, Sister Mary John Mananzan at iba pa ang kanilang liham – apela at tinanggap naman ito ng mga tauhan nila COMELEC OIC Al Parreño, Commissioners Rowena Guanzon, Sherriff Abas at Socorro Inting.
Iginiit nila Rosales at Mananzan, malalagay anila sa alanganin ang mga boto ni Robredo noong eleksyon kung papayagan nito ang Presidential Electoral Tribunal o PET na gamitin ang limampung porsyentong threshold.
Magugunitang itinakda ng PET ang naturang polisiya kasunod na rin ng inihaing electoral protest ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos laban sa Bise-Presidente.
—-