Ilalatag na bukas ng National Economic and Development Authority o NEDA ang gross domestic product o GDP ng bansa para sa unang bahagi ng taon.
Ayon sa mga economic analysts, sa ilalatag na GDP malalaman kung malaki ang naging epekto ng mataas na inflation rate sa bentahan ng consumer products.
Una nang nanawagan ang ilang mambabatas na i-review ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Una rito, kinumpirma ng mga kumpanya ng energy drinks at matatamis na inumin ang malaking pagbagsak ng kita mula sa mga naturang produkto dahil sa TRAIN Law.
—-