Suportado ng Saudi Arabia ang desisyon ni US President Donald Trump na kumalas na sa 2015 nucelar deal sa Iran.
Ayon sa Foreign Ministry ng Saudi Arabia, kanilang ikinalugod ang pagkalas ng Amerika sa kasunduan gayundin ang pasiya ni Trump na patawan na lamang economic sanctions o parusa ang Iran.
Bukod naman sa Saudi Arabia, nagpahayag din ng suporta sa pasiya ni Trump ang iba pang bansa sa Middle East tulad ng UAE at Bahrain.
Una nang pinaghihinalaan ng Saudi Arabia at Amerika ang Iran na nagsusuplay ng armas sa Yemeni rebels na siya namang kalaban ng gobyerno ng Saudi.
—-