Bumagsak pa sa kritikal na antas ang lebel ng tubig sa La Mesa dam.
Umabot na sa 72 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa na maituturing nang critical level.
Ayon sa Manila Water, sakaling bumaba pa sa 69 meters ang lebel ng tubig, posibleng isara na ang East La Mesa Treatment Plant.
Sakaling mangyari ito, apektado ang suplay ng tubig sa Marikina at sa mga bayan ng San Mateo at Rodriguez sa Rizal gayundin ang Pasig at Taguig.
Dahil dito, sinimulan na ng water concessionaires ang pagpapatupad ng mas mahinang pressure ng tubig mula gabi hanggang madaling araw.
—-