Nagbabala ang Department of Labor and Employment o DOLE laban sa mga nag-aalok ng trabahong mushroom picking sa Canada.
Ayon sa DOLE, bukod sa wala pang job order para sa mushroom picking job, wala pang recruiter na nabigyan ng accreditation ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA para sa naturang trabaho.
Samantala, napag-alaman sa Philippine Overseas Labor Office o POLO na minimum wage lamang ang ibinabayad sa mga mushroom pickers sa Ontario at iba pang lalawigan sa Canada.
Taliwas ito sa mga di umano’y alok na P150,000 hanggang P180,000 pasuweldo para sa nasabing trabaho.
—-