Bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang tatlong buwan ng 2018.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS ngayong Marso kung saan nakakuha ang Pangulo ng plus 58 o gradong ‘very good’.
Mas mababa ito sa plus 70 rating o excellent grade na nakuha nito noong Disyembre.
Sa survey ng SWS, 69% ng mga adult Filipino ang nagsabing kuntento sila sa performance ng pamahalaan habang 11 porsyento naman ang hindi kuntento at 18 prosyento ang undecided.
Nakita naman ang malaking pagbaba ng rating ng Pangulo mula 71 points o excellent sa 58 point o very good sa Metro Manila.
Nanatili naman sa very good ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa balance Luzon at Visayas habang excellent pa rin sa Mindanao.
Isinagawa ang survey mula Marso 23 hanggang 27 sa may 1,200 adult Filipino.
—-