Tiniyak ng Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage System o MWSS na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila.
Ito’y sa kabila ng napaulat na pagbaba sa kritikal na lebel ng tubig sa La Mesa dam kung saan umabot sa 72 meters.
Ayon kay MWSS Administrator Retired General Reynaldo Velasco, maraming tubig sa Angat at Ipo dam na maaaring mapagkunan ng dagdag na suplay ng tubig.
Bukod pa rito, sinabi ni Velasco na handa rin magbigay ng dagdag na suplay ng tubig ang National Water Resources Board sakaling magkaroon ng kakapusan ng tubig sa La Mesa dam.
—-