Sinopla agad ng House Committee on Justice ang nagbabadyang panibagong impeachment complaint na ihahain ng grupo ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, Chairman ng naturang komite, posibleng mabasurang muli ang nasabing reklamo ng laban sa Pangulo.
Paliwanag ni Umali, malabong magkaroon ng katuparan ang gusto ng grupo ni Alejano dahil ang karamihan sa komposisyon ng Kamara ay mga kaalyado ni Pangulong Duterte.
Gayunman, tiniyak ni Umali na dadaan pa rin sa proseso ang impeachment complaint bilang kanilang tungkulin na kailangang gampanan sa ilalim ng batas.
Magugunitang inihayag ni Alejano na kanilang pinag-aaralan ang muling paghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulo dahil sa kawalan umano nito ng aksyon hinggil sa isyu ng West Philippine Sea.
—-