Isinasapinal na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang listahan ng mga kumpaniyang lumalabag sa batas paggawa.
Kasunod na rin ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tukuyin at isumite sa kanya ang naturang listahan ng mga employern na may ginagawang hindi naaayon sa Labor law.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, isinasailalim na lamang ng Bureau of Working Conditions sa beripikasyon ang mga kumpaniyang kanilang isusumite sa Malacañang sa Mayo 25.
Bagama’t aminado man si Bello na kulang ang Labor inspector ng kagawaran, tiniyak naman nito na puspusan pa rin ang pag-iinspeksyon sa may 900,000 establisyemento sa buong bansa.
—-