Ikinulong pansamantala ang isang pasahero ng Philippine Airlines o PAL sa Dumaguete airport dahil sa bomb joke.
Ayon kay PNP-AVSEGROUP Director Chief Supt. Dionardo Carlos, nagdulot ng takot sa ibang pasahero at na delay din ang flight dahil sa pagbibiro ng nasabing pasahero na mayroong bomba sa eroplano.
Ang pasahero ay dinala sa Dumaguete Airport Police Station at pinalaya din matapos ang negatibo sa bomba ang eroplano sa isinagawang search ng mga explosives and ordinance division gamit ang K9 units.
Batay sa Presidential decree 1727, sinumang magbiro na may bomba o mag bomb joke sa eroplano maging sa mga paliparan ay maaaring maharap sa pagkakakulong ng hanggang limang taon at hindi bababa sa apat napung libong piso ang multa.