Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang deployment ban sa Kuwait.
Ito ay matapos pirmahan ng Pilipinas at Kuwait ang kasunduang magbibigay proteksyon sa mga OFW sa naturang gulf country.
Ayon sa Pangulo, papayag siyang tanggalin ang ban ngayong napirmahan na ang kasunduan na kanyang kondiusyon para payagang muli ang mga Pinoy na magtrabaho sa Kuwait.
Matatandaang kabilang sa mga kondisyon na inilatag ng Pangulo ang pagbibigay ng day off, pitong oras na tulog kada araw at itigil ang pang-aabuso sa mga manggagawang Pinoy ng kanilang mga amo.
Nag-ugat ito sa pagkakatuklas sa bangkay ng OFW na si Joana Demafelis na isinilid ng kanyang mga amo sa loob ng freezer sa Kuwait.