Magagamit na sa darating na dalawa hanggang tatlong buwan ang unang tatlong spike-er armed Multi-Purpose Attack Crafts o MPACS ng Philippine Navy.
Ayon kay Flag-Officer-In-Command Vice Admiral Robert Empedrad, nagpapatuloy ang kanilang integration o installation habang inaaral pa kung paano gagamitin at ide-deploy ang mga sasakyang pandagat na may nakakabit na missile.
Ang mga nabanggit na attack crafts ay gawa ng Propmech Corp. na nakabase sa Subic at binili ng pamahalaan sa halagang 270 milyong piso.