(Updated)
Tinambangan si Daanbantayan Mayor Vicente Loot at kanyang pamilya sa isang pantalan sa Daanbantayan, Cebu kaninang alas syete ng umaga.
Ayon kay Supt. Virgilio Bayon-on, tagapagsalita ng Cebu-PNP, nakaligtas sa pananambang ang alkalde pero sugatan ang driver at yaya ng apo nito.
Nasa 5 armadong lalaki anya ang suspek sa pananambang na nagsasalita ng tagalog, naka-bonnet, may mahahabang armas at nakasakay sa isang van.
Ayon kay Bayon-on, galing ang alkalde at ang mga kasama nito sa malapascua island at sakay pa ng bangka nang mangyari ang ambush sa pantalan.
Hindi na nanlaban ang kampo ni Loot dahil sa takot na lumala pa ang sitwasyon .
Si Loot ay dating heneral sa PNP na pinangalanan noon ni Pangulong Dutere na isa sa ‘narco-generals’ o sangkot sa iligal na droga.