May mga back-up na BET o Board of Election Tellers ang COMELEC sakaling hindi sumipot bukas sa mga polling precinct ang mga guro na unang itinalagang BET.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na kumuha na sila ng mga guro sa pampubliko at pribadong paaralan na magsisilbing ‘bangko’ o back-up BETs.
Pero kung wala na anyang gurong mahanap para umupo sa electoral board, itatalaga na ng COMELEC ang mga pulis para magsilbing BET lalo’t sinanay rin naman nila ang mga ito.
Ayon kay Jimenez, may ilang guro na sa ARMM ang nag-back out sa pagiging BET.
“Hindi yan ang una at hindi yan ang huling pagkakataon na may mag ba-back out na titser sa mismong araw ng halalan. In fact, ine-expect natin na meron tayong mga no show and I’d like to assure the public nga na yan naman ay talagang pinagha-handaan natin tuwing magkaka-halalan. Ine-expect na po natin yan.”