Umaasa ang Commission on Elections o COMELEC na aabot sa 75 porsyento ang voter turnout sa baranggay at Sangguniang Kabataan elections ngayong araw.
Batay sa datos ng COMELEC, mayroong mahigit 78 milyong rehistradong botante sa buong bansa para sa halalan ngayong taon.
Mahigit dalawampung (20) milyon mula sa nasabing bilang ang para sa Sangguniaang Kabataaan habang mahigit 57 milyon ang sa barangay level.
Pinaalalahanan naman ng COMELEC ang publiko na gamiting mabuti ang kanilang pribelehiyong makaboto at piliin ang mga karapat-dapat na kandidato.
—-