Sinuspinde ng Commission on Elections o COMELEC ang proklamasyon ng nasa 1,000 mga kandidato para sa Sanggauniang Kabataan elections, sakaling manalo ang mga ito.
Ito ay matapos naman makumpirmang lumagpas na sa age requirement ang mga nasabing kabataang kandidato o nakalabag sa anti-dynasty provision ng SK elections.
Ayon kay COMELEC Acting Chairman Al Parreño, aabot pa sa 4,000 hanggang 5,000 mga katulad na kaso ang isinasailalim pa sa review kahit tapos na ang barangay at SK elections.
Dagdag pa ni Parreño, meron din silang mga sinuspending mga kandidato para sa barangay captain at kagawad.
Sinabi naman ni COMELEC Commissioner Luie Guia, meron silang sinusunod na proseso para palitan ang mga mananalong diskwalipikadong kandidato.
—-