Nagpapasaklolo na sa gobyerno ang pamilya ng isang Pinay na nagtatrabaho sa Saudi Arabia para maiuwi na ito sa Pilipinas.
Ang Pinay na si Leah Gurion, 28-anyos at residente ng Bauang sa La Union ay halos 2 buwan nang comatose sa Prince Abdullah Bin Abdullaziz Bin Musa’ed Cardiac Centre kung saan din ito nagtatrabaho bilang janitress.
Ayon kay Joan Gurion, kapatid ng OFW, June 15 pa nila huling nakausap ang kapatid niya at tanging ang Pinoy doctor na nag-aaruga ritong si Dr. Rebecca Abarcar ang contact nila.
Sa kanilang huling pag-uusap, sinabi ni Joan na iniinda ng kaniyang kapatid ang pananakit ng ulo at batok nito gayundin ang matinding init ng panahon sa Saudi bago nila nabalitaang isinugod ito sa ospital matapos madale ng heat stroke.
Ang naturang OFW ay dalawang taon nang nagtatrabaho sa Saudi at tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya.
By Judith Larino