Isang aktibong pulis ang iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police o PNP kaugnay sa pananambang kay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, mismong si Loot ang nagbanggit ng pangalan ng naturang pulis na pinaghihinalaan umano nito.
Sinabi rin umano ni Loot na nagsasalita ng Tagalog ang mga suspek na tumambang sa kanila.
Bagama’t nakausap na ng mga pulis si Loot di pa naman ito nagbibigay ng pormal na salaysay.
Sa ngayon hindi pa itinuturing ng PNP na election related violence ang pag-ambush kay Loot kahit pa nangyari ito isang araw bago ang eleksyon.
Tatlong anggulo ang sinisilip ngayon ng PNP, personal na galit, pulitika at ang pagkakasangkot ni Loot sa narco-list ni Pangulong Duterte.
—-