Buhay pa ang dalawang babaeng pulis na dinukot ng Abu Sayyaf Group o ASG sa Patikul, Sulu noong April 29.
Ayon ito kay Philippine National Police o PNP Chief Oscar Albayalde matapos silang makatanggap ng ‘proof of life’ ng mga biktima.
Sa ngayon gumagawa na aniya ng hakbang ang lokal na pamahalaan ng Sulu para mapalaya ang 2 bihag na pulis.
Nanindigan naman si Albayalde na hindi sila kakagat sa hinihihinging 5 milyong pisong ransom ng Abu Sayyaf kapalit ng kalayaan nina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.
Una nang sinabi ng isang nakatakas na bihag ng Abu Sayyaf na nasa maayos pang kondisyon ang 2 bihag na pulis.
—-