Tinututukan ng binuong special investigation task group ng Quezon City Police District ang anggulong may kinalaman sa hinahawakang kaso kaugnay sa iligal droga ang motibo sa pagpatay kay Deputy Prosecutor Rogelio Velasco.
Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel, ini-isa isa nila ang mga kasong hinawakan ni Velasco kabilang ang mga malalaki at kilalang personalidad na may kinalaman sa iligal na droga.
Bukod dito, nasa tatlong barangay officials din aniya na sangkot sa iligal na droga ang kanilang sinisilip bagama’t wala pang indikasyon na may kinalaman ang mga ito sa kaso ng pagpatay kay Velasco.
Si Velasco ay pinagbabaril ng apat na salarin matapos na sa harangin ang sinasakyan nitong kotse sa barangay Holy Spirit noong Biyernes.
“Si fiscal is a chief inquest prosecutor na basically lahat ng drug cases siya ‘yung nagfa-file ng recommendation, so iniisa-isa natin ‘yan lahat at mero nang mga lumalabas na medyo mainit ang kanilang pagtatalo sa pag-perform niya ng kanyang trabaho, hopefully magkaroon tayo ng break dito, halos lahat ng kaso ng droga sa Quezon City ay sa kanya po dumadaan.” Pahayag ni Velasco
(Ratsada Balita Interview)