Pumapalo na sa sampu (10) ang mga nag-aambisyong maging susunod na Ombudsman kasunod nang pagtatapos ng termino ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo.
Kabilang sa mga nag-a-apply para maging susunod na Ombudsman sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, Sandiganbayan Justice Efren Dela Cruz at Davao RTC Judge Carlos Espero II.
Bukod pa ito sa mga abogadong sina Atty. Edna Herrera-Batacan, Rey Ifurung, Rainier Madrid, Rex Rico, Felito Ramirez at Special Prosecutor Edilberto Sandoval.
Hindi naman tinanggap ni Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro ang kaniyang nominasyon sa nasabing puwesto.
Ang mga naturang aplikante ay isasalang sa screening ng Judicial and Bar Council (JBC) at pipili ang Pangulong Rodrigo Duterte sa isusumite nitong shortlist ng bagong Ombudsman.
—-