Ipinatigil na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang lahat ng uri ng konstruksyon sa Boracay Island.
Kasunod ito ng ulat na may bahagi ng isang bundok ang pinapatag sa gitna ng nagpapatuloy na rehabilitasyon sa lugar.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, pinapuntahan na nila ang sinasabing bundok upang ma-inspeksyon at makita kung mayroon itong paglabag sa environmental law.
Una nang tinukoy ng DENR na naganap ang pagpapataw sa bundok bago ito pa man ang rehabilitasyon sa isla.
Samantala, dumipensa naman si Senator Cynthia Villar sa mga nag-uugnay sa kanyang pamilya sa pinatag na bundok na sinasabing pagtatayuan ng condo–resort na dine-develop ng Vista Land.
Binigyang diin ni Villar na walang silang bundok na pinatag sa naturang tiutladong lupa at wala ring masamang ipasok nila ito sa isang joint venture.
Sinabi ni Villar na handa niyang harapin ang mga alegasyon at makipag-usap sa mga opisyal ng DENR.
—-