Ipinahayag na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang hinahanap para sa susunod na magiging Ombudsman.
Ayon sa Pangulo, kinakailangang mayroong integridad ang susunod na Ombudsman.
Hindi aniya siya pipili ng pulitiko o kaya naman ay babae para sa naturang posisyon.
“Mag-nominate sila, pero I choose, but gusto ko ‘yung bilib ang tao sa integrity niya. Of course it could not be a politician, lalo na hindi babae.” Ani Pangulong Duterte
Una nang tinukoy ng Pangulo na kukunsultahin niya ang mga tao sa Office of the Ombudsman ngunit hindi ang paretirong si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
“I will have to consult everybody. I will even have to consult the Ombudsman people, not Morales.” Pahayag ni Morales
Pumapalo na sa sampu (10) ang mga nag-aambisyong maging susunod na Ombudsman kasunod nang pagtatapos ng termino ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo.
Kabilang sa mga nag-a-apply para maging susunod na Ombudsman sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, Sandiganbayan Justice Efren Dela Cruz at Davao RTC Judge Carlos Espero II.
Bukod pa ito sa mga abogadong sina Atty. Edna Herrera-Batacan, Rey Ifurung, Rainier Madrid, Rex Rico, Felito Ramirez at Special Prosecutor Edilberto Sandoval.
—-