Pinaiimbestiagahan sa Senado ni Senador Antonio Trillanes IV ang ginawang paggasta ng Presidential Communications Operations Office o PCOO sa kanilang pondo para sa information caravan ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na idinaos sa bansa noong nakaraang taon.
Sa inihain niyang Senate Resolution 735, nais ni Trillanes na mahimay nang husto ang mga pinaggamitan ng 647.11 million pesos na pondo na inilaan para sa ASEAN Information Caravan.
Batay aniya sa report ng Commission on Audit, posibleng nagkaroon ng irregularidad sa paggasta sa nasabing pondo.
Sinabi pa ni Trillanes na ipatatawag nila ang mga opisyal sa tanggapan ni Communications Secretary Martin Andanar para pagpaliwanagin sa nasabing isyu.
—-