Maghahain ng impeachment complaint si Akbayan Partylist Representative Tom Villarin laban sa mga mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto petition na nagpatalsik laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Giit ni Villarin, nilabag ng naturang mga mahistrado ang konstitusyon matapos na panghimasukan ang pagpapatalsik sa isang impeachable official tulad ni Sereno.
Ihahain aniya ang impeachment complaint bago ang kanilang “Adjourn Sine Die” sa Hunyo.
Kabilang sa walong mahistrado na bumoto pabor sa quo warranto petition ay sina Associate Justices Teresita de Castro; Diosdado Peralta; Lucas Bersamin; Francis Jardeleza; Samuel Martires; Noel Tijam; Andres Reyes Jr.; at Alexander Gesmundo.