Pinagsusumite na ng Bureau of Customs ang mga airline at shipping lines ng advance cargo manifest.
Layon ng nasabing hakbang na mapaganda ang takbo ng kalakalan at maiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga iligal at mapanganib na kargamento.
Sa ilalim ng Customs Memorandum Order 6-2018 ipinag utos ni Customs Commissioner Isidro Lapenia ang pag obliga sa pamamagitan ng pagsusumite ng PDF file ng advance manifest, bill of commercial invoice, packing list, storage plan at iba pa sa advanced manifest system ng BOC.
Ang cargo manifest o inward foreign manifest ay naglalaman ng mga kargamento sa loob ng mga eroplano at barko kabilang ang impormayson tulad ng consignors at consignees.
Sinabi ni Lapenia na ang bagong guidelines ay magbibigay daan para ma proseso at malaman ang custom duties, taxes at iba pang bayarin bago pa dumating ang shipment.