Walang ransom na ibinayad sa Abu Sayyaf kapalit nang pagpapalaya sa dalawang babaeng pulis sa Sulu.
Binigyang diin ito ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa gitna na rin ng mga dudang may kapalit na pera ang paglaya nina PO2 Bennie Rose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.
Tumanggi naman si Albayalde na magbigay ng iba pang detalye sa paglaya ng mga nasabing pulis na aniya’y hawak na ng mga otoridad.
Sinabi ni Albayalde na nais muna nilang makapag pahinga ang mga naturang pulis na una nang dinukot ng mga bandido nuong April 29 kasama ang dalawang indibidwal na nakalaya o na rescue nuong isang linggo.