Maaari nang umalis patungong Kuwait ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs na magtatrabaho sa nasabing bansa simula ngayong araw.
Ito’y matapos lagdaan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pag-aalis sa total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.
Ayon kay Bello tinatayang nasa 5,000 manggagawang Pinoy ang nakahanda na ang mga dokumento sa paglipad sa Kuwait habang nasa 15,0000 naman ang patuloy na nagpoproseso pa ng kanilang mga papeles.
Batay naman sa ulat, halos may 70,000 job order o bakanteng trabaho ang maaaring aplayan ng mga Pinoy sa nasabing bansa.
—-