Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Alas 12:34 kaninang tanghali nang maitala ng PHIVOLCS ang magnitude 4.3 sa naturang lugar.
Natunton ang sentro ng pagyanig 37 kilometro, hilagang-kanluran ng bayan ng Burgos at tectonic ang origin.
Wala namang nasugatan o napinsalang mga gusali sa nabanggit na pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.