Nakapagparehistro na para sa Overseas Absentee voting ang isa punto anim na milyong mga Pilipino sa ibat ibang panig ng mundo.
Ayon sa Commission on Elections , ang mga nasabing botante ay nagparehistro para sa 2019 midterm elections.
Nahigitan ng naturang bilang ang record high na 1.3 milyong Filipino Overseas Absentee Voters nuong 2016 national elections.
Inaasahan naman ng COMELEC na madaragdagan pa bilang ng mga magpaparehistro na posibleng umabot sa dalawang milyon lalot sa katapusan pa ng Setyembre ang deadline ng registration.