Naibigay na sa halos190,000 pulis ang kanilang mid-year bonus.
Ito ay matapos na maipalabas ng Philippine National Police ang anim na Bilyong Pisong pondo para rito.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ang bonus ng mga pulis ay katumbas ng isang buwang basic salary.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Albayalde ang mga pulis na gastusin ang naturang pera sa kanilang pamilya.
Samantala, ang mga pulis na mayruong kinakaharap na kasong administratibo ay makatatanggap pa rin ng bonus maliban na lamang kung napagpasyahan na ang kanilang kaso at napatawan na ng mabigat na parusa.