Inatasan ng Department of Labor and Employment ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA na bumuo ng ‘guidelines’ sa pagpapadala ng household service workers sa Kuwait.
Ginawa ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang hakbang sa pamamagitan ng administrative order makaraang tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total deployment ban sa overseas Filipino Workers o OFWs sa Arab state.
Dahil sa direktiba ni Bello na epektibo sa lalong madaling panahon, nangangahulugan din na puwede nang ikasa ang deployment sa Kuwait ng mga newly-hired professionals, skilled at semi-skilled workers.
Magugunitang inalis ng Pangulo ang deployment ban kasunod ng nilagdaang Memorandum of Agreement sa pagitan ng dalawang bansa para sa kaligtasan at interes ng mga manggagawang Pinoy.