Walang Pilipinong nadamay sa panibagong insidente ng pamamaril sa loob ng isang eskwelahan sa Estado Unidos.
Ito ang tiniyak ng DFA o Department of Foreign Affairs kasabay na rin ng pagpapaabot ng pakikiramay ni Secretary Alan Peter Cayetano sa pamilya ng sampung nasawi sa malagim na insidente.
Sinabi naman ni Consul General Adelio Angelito Cruz na ligtas ang halos 2,000 mga pilipinong nasa Galbveston County sa Texas.
Batay sa ulat pinasok ng isang 17 anyos na estudyante ang isang classroom sa Sta. Fe Highschool at walang habas na pinagbabaril ang mga kapwa mag-aaral gamit ang shotgun at kalibre trentay otso na revolver.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng Texas police ang suspek.