Aminado si Jennylyn Mercado na hindi pa umano siya handang magpakasal sa boyfriend at kapwa Kapuso star na si Dennis Trillo.
Sa katatapos lamang na 32nd birthday ni Jen noong March 15, inihayag nitong wala pa naman silang plano ni Dennis lalo’t marami pa anIya silang kailangang gawin at higit sa lahat ay hindi pa sila handa sa buhay may-asawa.
Bukod dito, nakatakda ring ikasal ang kapatid ni Dennis sa Nobyembre kaya’t imposibleng magpakasal din sila at bawal ang sukob.
Sa kabila nito, matatag pa rin anIya ang relasyon nila ng Kapuso actor.
Samantala, kabilang naman sa birthday wish ni Jennlyn ang malusog na pangangatawan at makaiwas sa mga sakit.
A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on