Tahasang inakusahan ni US President Donald Trump ang FBI o Federal Bureau of Investigation at Department of Justice ng Amerika ng paninitiktik sa kasagsagan ng kanilang kampanya noong 2016.
Ito’y makaraang palutangin noon ng kampo ni dating Secretary of State Hillary Clinton ang pakikipagsabwatan umano ni Trump sa Russia upang manipulahin ang resulta ng halalan.
Kasunod nito, binatikos din ni Trump si Special Counsel Robert Mueller dahil sa ginagawa nitong imbestigasyon at aniya’y ‘witch hunting’ sa pagbabato ng alegasyon.