Tuluyan nang bumaba sa puwesto bilang Senate President si Senador Koko Pimentel at ipinasa ang liderato kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto.
Ito ang inihayag ni Pimentel sa kanyang press conference kaninang tanghali ilang araw matapos lumagda ang 14 na miyembro ng majority bloc sa isang resolusyon na naghahalal kay Sotto.
It has been an honor and privilege for me to serve the Senate as it president, the position once held by my father. He served the Senate with dignity, always staying true to his principle and consistently putting the interests of our nation before his. I wish my successor, Sen. Sotto, good health and God speed and pledge to help the new leadership pass pro-people legislation. Pahayag ni Pimentel
Aminado naman si Pimentel na bagaman wala pang timetable sa opisyal na pagpapalit ng liderato, maaari pa rin aniya itong maganap anumang araw.
Wala naman talagang timetable, ito theoretically. To be fair with the new Senate President, I’m giving him sufficient time to also achieve something in the Senate between the passage of laws. Kasi kung February next year wala ng time, if October wala na rin time. so I think now, it’s a good time. Paliwanag ni Pimentel
Nilinaw din ni outgoing Senate President Koko Pimentel na walang impluwensya ng Palasyo sa pagpapalit ng liderato sa Senado.
Ayon kay Pimentel, kanya-kanyang istilo ng pamumuno ang mga Pangulo ng Senado at kung mayroong senador na hindi nagustuhan ang kanyang liderato ay maiging napagtiyagaan ito ng kanyang mga kasama sa loob ng halos dalawang taon.
Ipinagmalaki rin ni Pimentel na noong panahon niya ay naging mataas na marka ng Senado sa mga nakalipas na survey habang ipinauubaya na niya sa publiko ang paghuhusga sa kanyang naging liderato.
Ngayon aniyang hindi na siya Senate President ay maaari na niyang ituon ang kanyang sarili sa legislative work.
Statement of SP Pimentel- “He is stepping down from his position and going to nominate Sen. Sotto as Senate President in session this afternoon | via @blcb pic.twitter.com/EN84cehxeX
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 21, 2018
Outgoing SP Pimentel, pumirma na sa resolution na sumusuporta sa paghalal kay Senator Tito Sotto bilang bagong Senate President | via @blcb pic.twitter.com/Eiv5IOBU9S
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 21, 2018