Pinalaya na ng grupong Abu Sayyaf Group isa sa kanilang mga natitirang bihag na hawak sa Sulu.
Kinumpirma ni joint task force Sulu Commander, Brig. Gen. Cirilito Sobejana pinalaya ang nabanggit na bihag, kaninang umaga.
Hindi naman pinangalanan ni Sobejana ang hostage at naging proseso ng pagpapalaya dahil bahagi pa rin ito ng intense military operation sa Mindanao partikular na sa Sulu.
Magugunita noong isang linggo nang palayain din ng asg ang dalawang babaeng pulis na kanilang dinukot na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.