Aminado si bagong Senate President Tito Sotto na nakalulula ang kanyang mga kahaharaping trabaho.
Ito ang inihayag ni Sotto matapos ang kanyang oath-taking bilang bagong Pangulo ng Senado, kahapon.
Ayon kay Sotto, ramdam na niya ang stress dahil sa listahan ng mga mahalagang panukalang batas na kailanga nilang talakayin at sikaping ipasa sa Senado.
Samantala, magpapaalam muna ang bagong Senate President sa “longest running noontime show” na Eat Bulaga upang tutukan ang kanyang trabaho.
Bagong Senate President Tito Sotto, may sagot sa mga bumabatikos sa kanya
Sinupalpal ng bagong Senate President na si Tito Sotto ang mga bumabatikos at nang-mamaliit sa kanyang kakayahan.
Ayon kay Sotto, tingnan na lamang ng mga kritiko ang record ng mga nagawa ng mga dating Senate President kumpara sa kanyang mga nagawa noong Majority at Minority leader pa lamang ng Senado.
Siyam na Senate President na anya ang kanyang napaglingkuran bilang majority at minority leader at nakita na rin niya ang mga problemang kinaharap ng mga nakalipas na Pangulo ng mataas na kapulungan ng Kongreso bagay na kanyang iniiwasan o alam kung paano lutasin.
Iginiit ni Sotto na bagaman hindi siya abogado ay mayroon din namang mga naging Senate President na hindi practicing lawyer tulad ni dating Senador Manny Villar.