Sisimulan na ng Department of Transportation and Communication ang pagsasailalim sa static test sa prototype na bagon ng Metro Rail Transit o MRT.
Ito’y makaraang dalhin na sa MRT line 3 depot ang nasabing tren mula China matapos itong i-assemble sa LRT 1 depot sa Pasay city.
Umabot ng 4 na oras ang biyahe dahil sinusuri ng mga engineer ng MRT at DOTC ang prototype na tren.
Ayon kay DOTC Spokesman Migs Sagcal, layon ng nasabing testing na makita kung maayos na gumagana ang mga pintuan, ilaw, air conditioning system at iba pang pasilidad ng bagong tren.
Inaasahang hanggang Nobyembre pa tatagal ang pagsusuri na susundan naman ng dynamic testing kung saan, susubukan itong patakbuhin sa riles ng MRT.
Binigyang diin pa ni Sagcal, posibleng sa katapusan pa ng taong ito aprubahan ang pag-order sa nalalabing 68 tren kapag umakma na ang prototype sa pasilidad ng MRT 3 na idinesenyo para sa kasalukuyang tren na nagmula naman sa Czech Republic.
By: Jaymark Dagala