Sesertipikahan na bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lalagdaan anumang araw ni Pangulong Duterte ang naturang panukala upang agad itong matalakay at maipasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ito, anya, ay makaraang ihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na plano niyang hilingin sa punong ehekutibo na i-certify na bilang urgent bill ang BBL.
Ipinaliwanag ni Roque na wala namang mali sa balak ng Kamara na dumulog na kay Pangulong Duterte lalo’t mag-a-adjourn na ang mataas at mababang kapulungan ng Kongreso sa susunod na linggo.