Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-do-donate ang bansang Jordan ng dalawang cobra attack helicopter sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa ika-120 anibersaryo ng Philippine Navy, kahapon.
Ayon kay Pangulong Duterte, pinayuhan na siya ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na iwasan ng batikusin si United Nations High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al-Hussein habang nakikipag-usap ang Pilipinas sa Jordan para sa acquisition ng mga helicopter.
Marso nang ihayag ni Zeid, na prinsipe ng Jordan, na dapat ng magpatingin ni Pangulong Duterte sa isang psychiatrist dahil sa walang puknat na pagbatikos kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard.
—-