Hiniling ng ilang grupo na isantabi muna ang mga inaprubahang pagtaas ng “feed-in-tariff allowance” o bayad sa mga plantang gumagawa ng renewable energy.
Mula sa kasalukuyang P0.18 kada kilowatt hour, nagbabadyang tumaas ang halaga ng fit-all sa P0.25 kada kilowatt hour.
Kahapon ay nag-protesta ang mga miyembro ng Bayan Muna at Laban Konsyumer sa isa sa mga sangay ng Meralco sa Kamuning, Quezon City upang tutulan ang bill deposit at pagtaas ng tinatawag na fit-all.
Ayon kina Bayan Muna Representative Carlos Zarate at Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, hindi napapanahon ang panibagong dagdag singil sa kuryente dahil mayroong bigtime oil price increase.
Ibinabala rin nina Zarate at Dimagiba na maaaring ipatupad ang dagdag sa fit-all kada taon.
Gayunman, nanindigan ang Energy Regulatory Commission o ERC at National Transmission Corporation na pasok sa June bill ng lahat ng mga electric cooperative at distribution utility ang dagdag-singil bunsod ng fit-all.
—-