Tinawag na unconstitutional o labag sa batas ni Albay Representtaive Edcel Lagman ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay Lagman, hindi maaaring buwagin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na isang autonomous region dahil mismong ang umiiral na Saligang Batas ang lumikha rito.
Kinakailangan aniyang amyendahan ang kabuuan ng konstitusyon bago palitan ang ARMM ng panibagong Bangsamoro entity na lilikhain sa ilalim ng BBL.
Maguguinitang kapwa minamadali na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagpasa sa BBL kung saan, hiniling pa ng Senado kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan ito bilang urgent.
—-